作词 : Mara Torres/Vladimir Igman Lara Tarubal 作曲 : Benedict Sy Ito ay liham para sa kulturang mahal ko Sabi ko sa aking sarili Di na muna iibig ng kahit sino Ngunit ikaw ay nagpakilala Pangangamba ko ay nawala na lang nang kusa Bata pa lamang nang nagkakilala tayo Nakita mo habang binubuyo nila ako Ang dating mahiyain at kabado Mham para sa kulturang mahal ko ay gana nang humarap sa tao Sigya ay sa'yo ko natagpuan Sa pagkaligaw ikaw ang paraluman Kaya naman walang pagaalinlangan Sa inyong tahanan, ika'y niligawan Bawat miyembro ng inyong pamilya Hinarap at isa-isa kong kinilala Mula sa mga kapatid na nakatatanda Hanggang sa magulang na di nagpabaya Di man tulad ng ibang sumusuyo sa'yo Sila nang mas mayaman at mas gwapo Ang iba nga'y may kotse at bahay na magarbo Sapagkat pagmamahal lang ang kaya ko Walang maibibigay na makamundo Ang hiling ko pa rin sa dulo Makuha ang iyong matamis na oo Ano ba naman ang iyong sinasabi Di ka sing yumi ng ibang babae 10. Kung umasta't pumorma parang lalaki Kaya inaasar ka ng ating mga kaklase Nais ko sana sabihing wala akong pake Pag nakikita ka at sa upuan ay nakakatabi Maski na makata nawawalan masasabi Siguro ayaw ko lang namang magkamali . Kitang kita ko pa rin 'yong tunay na ganda Pati na ang ugali na mas mahalaga Kung ba't mahal kita, wag magtaka Sa habambuhay, ikaw ang nais makasama Hanggang isang gabi ako'y sinorpresa mo Sabi mo manood tayo ng teatro Tuwang tuwa nagpakuha ng litrato Pabulong mong sinabi opisyal na tayo Sabi ko sa aking sarili Di na muna iibig ng kahit sino Ngunit ikaw ay nagpakilala Pangangamba koy nawala na lang ng kusa Sino ba naman ang magaakala Bilis ng panahon isang dekada na pala Mula noong tayong dalawa nagkakilala Kung saan saan rin nakapag gala Sa'king mga kinukuwento laging nakangiti Kay suwerte ko at ako'y iyong napili Salamat lakambini at nanatili Kaya't sa puso ko, walang sinumang halili . Asahan mong magiging iyong tapat na lingkod Nakahandang saluhin sakaling ika'y matalisod Sa'yo ay hindi magtataksil at tatalikod Sa dami ng alaala malabong makalimot Kaya't ngayong gabi ay nananalangin Para wala nang makapagwalay sa atin Saksi ang buwan at talang nagniningning Lumuluhod sana malugod mong tanggapin Handog kong pilak na singsing, sining编辑于2024/01/01更新